DepEd: walang ipinipilit na kulay sa teachers’ alternate uniform

Binigyang-diin ni Education deputy spokesperson, Assistant Secretary Francis Bringas na pinahihintulutan ng DepEd ang paggamit ng anumang kulay ng alternate uniform.

Ayon kay Bringas, maaaring gamitin ng mga guro ang anumang collared DepEd shirts na mayroon sila.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Samantala, nagpaalala ang opisyal na naglipana ang enterprising individuals/groups na nagbebenta online ng collared shirts na may logo ng ahensya.

Paglilinaw nito – ang mga nagtitindang ito ay hindi otorisado.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Naging madali na lang daw kasi na ma-access ang logo ng kagawaran matapos nilang mag-go signal sa alternative uniforms para sa teachers at non-teaching personnel dahil sa init ng panahon.