Inflation rate sa rehiyon, bumaba

Bumaba ang inflation rate ng probinsya ng Apayao nitong Marso ngayong taon habang tumaas naman ang inflation sa ibang probinsya sa Cordillera Region.

Ayon sa Philippine Statistics Authority Cordillera, mula sa inflation rate na 6.9% noong pebrero at naitala lamang ng probinsya ang 4.9% na inflation nitong Marso.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ito umano ay nangangahulugan lamang na tumataas na ang ekonomiya ng probinsya.

Samantala ang ibang probinsya sa CAR ay nakapagtala ng mataas na inflation tulad na lamang ng Ifugao na mayroong 6.8%, Benguet na may 4.7%, 3.8% naman sa Abra habang 3.6% sa Baguio at 2.7% sa Kalinga.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Kabilang sa nagpataas ng inflation sa Cordillera Region ay ang food at non-alcoholic beverages na mayroong 68.6% na ambag sa kabuoang inflation ng rehiyon habang 20.7% naman ditto ay mula sa tubig, elektrisidad, gas at iba pang fuels.