Mekaniko, arestado sa drug buy-bust operation sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo sa drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay ang isang 36 anyos na mekaniko na kasama sa Regional Target List sa Purok 1, Tagas, bayan ng Daraga ng nasabing lalawigan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon sa report, nagpositibo sa operasyon ang suspek na si alyas “Otoy” matapos pagbentahan ang poseur buyer.

Narekober sa suspek ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang “shabu” na nagkakahalagang P68,000 at ang buy-bust money.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa ngayon, ang suspek ay nasa kostudiya ng PDEA Albay habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sakanya.