Mga establisemento, opisina, at mga kabayan sa Naga City, hinihikayat na iwasan ang paggamit ng mga appliances na hindi kailangan ngayong sobrang init ng panahon

NAGA CITY – Hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, ang mga establisemento, opisina, mga kabahayan at iba pa na kung maaari iwasan na munang gumamit ng mga appliances kung hindi naman kailangan ngayong sobrang init ng panahon.

Kaugnay ito sa naging panawagan ng Department of Energy sa direktiba ng Pangulong Marcos na ang mga tanggapan ng gobyerno, manguna sa pagtitipid ng enerhiya at pagliit ng paggamit ng kuryente sa panahon na ito, lalo na’t nagdeklara na ng Red Alert at Yellow Alert status sa Luzon sa pamamagitan ng Electric Power Industry Management Bureau (EPIMB) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay City Administrator, Elmer Baldemoro, bagamat naiintindihan nila ang sitwasyon dahil nga sa sobrang init, at katunayan sinuspende ang energy conservation lalo na sa pagpapagamit ng mga aircon at electric fan sa mga opisina, panawagan pa rin na magtipid sa kuryente upang maiwasan din ang mataas na bayad, isa pa tuloy ang paggawa ng paraan upang makatulong at mabalanse ang pangangailangan ngayong sobra ang init ng panahon.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol