PDEA, nilinaw na P9.6B ang halaga ng drogang nasabat sa Batangas

Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na P9.6B at hindi P13B ang halaga ng illegal ng droga na nakumpiska sa Alitagtag, Batangas.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, estimate lamang o pagtaya ang P13B na unang napaulat sa lugar kung saan ito nakumpiska.

Pero nang maiturn-over aniya sa PDEA laboratory service ang mga droga, lumitaw na ang aktuwal na timbang nito ay 1.4 tons.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Sa kabila nito, pinakamalaki at pinakamaraming droga pa rin ito na nakumpiska ng mga otoridad sa isang operasyon.