Korte Suprema, kinatigan ang petisyon kontra sa pag-disqualify ng COMELEC sa Smartmatic

Mali ang ginawang disqualification ng Commission on Elections (COMELEC) sa supplier nitong Smartmatic.

Ito ang naging desisyon ng Korte Suprema sa petisyong inihain ng Smartmatic laban sa poll body.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Sa unang press briefing ng bagong Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting – inanunsyo nitong pinagbigyan nila ang petisyon ng Smartmatic hinggil sa pag-alis sa kanila para sana sa mga posibleng bidders para sa 2025 elections.

Read More:  Malacañang hits Erice’s claim that Marcos cannot jail Romualdez

Sa kabila nito, ‘di naman nila ni-nullify ang pag-award sa kontrata sa panibagong supplier na Miru Systems.