Low voltage, dahilan ng mahinang supply ng kuryente sa West Coast ng 3rd district ng Albay

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na low voltage mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na siyang supplier ng kuryente ang dahilan ng mahina ring supply nito sa west coast ng Albay 3rd District.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Sinabi ni ALECO Spokesperson Anj Galero sa Brigada News FM Legazpi, kung low voltage ang naita-transmit sakanila, ganon din ang maidi-distribute sa lugar, partikular na mula sa Ligao City patungong Pio Duran at ilang bahagi ng Polangui.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Ngayon, kino-correct na aniya ng NGCP ang supply ng kuryente upang matugunan ang kinakailangan ng mga residente gayundin ng mga beach resorts lalo pa’t pumasok na ang dry season.