Paglangoy sa Baseco Beach, mahigpit na ipinagbabawal sa publiko – DENR

Nagpaalala ang Manila Police District (MPD) na ipinagbabawal pa rin sa publiko ang paglangoy sa Baseco Beach sa bahagi ng Port Area, Maynila.

Ayon kasi sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), delikado ang pagligo sa naturang beach dahil nagtataglay itong mataas na lebel ng coliform o isang bacteria na mapanganib sa kalusugan ng tao.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dagdag pa ng ahensya, makati sa balat, at kapag nainom ang tubig nito ay maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sinabi ng pamunuan ng MPD, magdedeploy sila ng kanilang tauhan para magbantay at magtaboy sa sinumang magtangkang maligo sa Baseco Beach.