Pagtutol ng mayorya sa Cha-cha – dapat daw magsilbing ‘eye-opener’ ayon sa senador

Tiniyak ni Senate President Migz Zubiri na pag-aaralan nilang mabuti sa Senado ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Ito ay matapos lumabas sa Pulse Asia Survey na nasa walumpu’t walong porsyentong Pilipino ang tutol sa Charter Change (Cha-Cha) na siyang maituturing umanong ‘eye opener’ ayon sa senador.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kaugnay nito, muling kinumpirma ni Zubiri na magsasagawa sila ng mga pagdinig sa Luzon, Visayas at Mindanao upang makita ang tunay na pulso ng masa tungkol dito.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Maalala, una na ring sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na klarong klarong makikita na peke ang isinusulong na people’s initiative at hindi ito ang kailangan ng taumbayan kung kaya’t hindi na dapat i-fast track ang proseso ng pag-amyenda.