Maging vigilante sa mga online transactions, panawagan ng BSP

CAMARINES SUR – Nananawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas, sa lahat ng mga consumer, mapa-online banking at online payment man, na dapat maging vigilante pa rin sa mga online transactions.

Ayon kay Marianne Santos, Director ng Economic and Financial Learning Office, maliban sa responsibilidad na ng BSP na makapag-isyu ng mga regulasyon, na dapat ma-comply ng payment service provider upang masiguro ang seguridad ng mga product at services, kinakailangan ng isang consumer na maging aware o mapagbantay kontra sa mga scammer o hacker lalo na pagdating sa mga link o messages na nakakarating sa kanila, ito ay upang maiwasan ang anumang mga pangloloko.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school
Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Kung saan dagdag pa ng opisyal, mahalaga na ang mismong consumer, sumusunod sa mga alituntunin, batas at regulasyon ng BSP.