Philippine Statistic Authority, nagbukas ng karagdagang registration center para sa National ID

Nagbukas ng karagdagang registration centers ang Philippine Statistics Authority o PSA sa Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Zambales para Step 2 registration ng national ID.

Sa mga residente ng mga nasabing lugar, maaaring mag-register online o maglog-in muli gamit ang iyong mobile number o email address sa https://register.philsys.gov.ph para makapag-book ng appointment para sa Step 2 registration.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Ang pinakamaagang schedule ng appointment ay simula bukas July 8, 2021.

Inaasahan namang magbubukas pa ng mga karagdagang registration centers sa ibang lugar sa mga susunod na araw.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Sa meron namang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe sa PSAPhilSysOfficial, o mag-email sa [email protected], pwede ring tumawag sa PhilSys hotline 1388.