Pagbabakuna ng Covid-19 vaccine sa A4 Worker sa Central Luzon, umarangkada na

Umarangkada na kahapon ang pagbabakuna ng kalahati sa mahigit 5,000 empleyado ng Luen Thai, isang garment factory sa Clark Freeport sa ginanap na ceremonial vaccination.

Hudyat ito ng pagsisimula ng vaccination sa mga nabibilang sa A4 group sa buong Central Luzon.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Ang vaccination ay pinagtutulungan ng national, provincial, municipal at city governments pati ng pribadong sector upang dahan-dahang makabangon ang ekonomiya ng rehiyon mula sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon ang bakuna, kasama na ang disiplina at pag-iingat, ang nakikitang solusyon laban sa COVID-19.

Samantala, pinangunahan ni Governor Dennis Pineda kasama sina Presidential Spokesman Harry Roque, National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, CDC chair Edgardo Pamintuan, CDC president & CEO Manuel Gaerlan, Mabalacat City Mayor Cris Garbo at Luen Thai president Francisco Salceda, ang paglulunsad sa vaccination para sa mga nasa A4 priority list.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession