NAGA CITY – Bagamat maraming malalayong barangay sa Tinambac, Camarines Sur, nakakatiyak ang pamunuan ng Tinambac Municipal Police Station, na magiging maayos ang seguridad sa mga lugar at magiging matahimik sa pag obserba ng Semana Santa ngayon, dahil na rin sa presensiya ng tatlong Army detachment sa kanilang bayan na lagi nilang kaagapay.
Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni P/Capt. Inar Vic Florece, ang Chief of Police ng Tinambac MPS, hinggil naman sa mga paghahanda nila sa mga aktibidad na ipapatupad habang nasa sa panahon ng Semana Santa,na kung saan ang mga sundalo ay siya namang in-charge sa kaayusan sa mga bulubunduking barangay.
Kahapon isinagawa na rin ang command conference ng lahat ng mga chief of police sa Camarines Sur Police Provincial Office at ang naging agenda ay ang deployment ng kapupulisan mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.