DepEd So.Cot, may adjustment sa oras ng mga laro sa provincial meet dahil sa mainit na panahon

KORONADAL CITY – MAHIGIT sa 5,000 na mga atleta ang kalahok sa isinasagawang South Cotabato Provincial Athletic Association Meet sa bayan ng Sto.Niño. Inihayag ni DepEd South Cotabato Education Program Supervisor at Sports Coordinator Alex Floro na ang mga ito ay mula sa iba’t ibang mga paaralan sa 10 mga munisipyo sa lalawigan.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Naglaan ang provincial government ng mahigit sa P 6 million na pondo para sa naturang aktibidad. Samantala, dahil sa mainit na panahon, nagpatupad ang DepEd ng adjustment sa oras ng mga laro lalo na sa mga events na isinasagawa sa labas katulad ng baseball, softball, football at running events.

Read More:  Meghan Markle’s father Thomas Markle, arrested over alleged child pornography possession

Pinasiguro naman ni Floro na may naka-standby na mga medics at activated din ang incident Command System o ICS ng Sto.Niño oras na handing rumesponde anumang oras.