MIAA, handa na sa dagsa ng pasahero ngayong Semana Santa

Puspusan na ang paghahanda ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa dagsa ng pasahero sa paliparan ngayong Holy Week.

Ayon kay Atty. Chris Noel Bendijo, head executive assistant & spokesperson, Manila International Airport Authority (MIAA), nakipag-coordinate na ang pamunuan ng MIAA sa mga LGUs ng Pasay at Parañaque para sa inasasahang bigat ng daloy ng trapiko.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Pinagbawalan na ring magbakasyon ang mga key officials sa paliparan upang makapagbigay-aksyon kaagad sakaling may aberya o problema.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Tiniyak naman ni Bendijo na ligtas, safe at malinis ang mga upuan sa paliparan dahil naglalagay ng traps at pest control para wala nang mga peste.