Pio Duran, handa na para sa nalalapit na Semana Santa

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang bayan ng Pio Duran, Albay para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa.

Ito ang kinumpirma ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) head Noel Orduña sa Brigada News FM Legazpi.

Sa panayam sakanya, sinabi niya activated na ang kanilang composite team na binubuo ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Coast Guard, Public Safety Office at iba pang mga tanggapan.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Kaugnay din nito, sinabi ni Orduña na nakapag-establish na sila ng public assistance desks.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Inaasahan din niya ang dagsa ng mga tao sa Semana Santa pati na rin sa summer vacation dahil sa pantalan na mayroon ang lugar.

Dahil dito, mayroon na rin silang close coordination sa Philippine Ports Authority at sa iba pang ahensya na katuwang nila sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa.