SMNI: hindi patas ang NTC sa paghawak ng kaso

Pulitika lang daw ang nakikitang dahilan ng legal counsel ng Sunshine Media Network Inc. na si Atty. Rolex Suplico kung bakit isinusulong sa Kamara ang House Bill No. 9710 na magre-revoke sa prangkisa ng nasabing network.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Suplico, sinabi nitong tinitingnan din kasi nila ang pagiging malapit ng SMNI sa pamilya Duterte, partikular na kay VP Sara Duterte.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Maaari raw kasing konektado ito sa posibleng banggaan sa pulitika ng bise presidente at ng liderato ng Kamara.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Samantala, sinabi rin ni Suplico na hinihintay nila ang desisyon ng NTC sa inihain nilang motion for reconsideration.

Pero palagay umano ng kanilang kampo, hindi patas ang laban sa NTC kaya tinitingnan nila ang paglapit sa Court of Appeals.