‘Katok-katok’ isyu sa Ligao City, pinabulaanan ng pulisya

LEGAZPI CITY – Pinabulaanan ng Ligao City Police Station ang mgakumalat na ‘Katok-katok’ isyu sa lugar na nagbigay ng takot sa mga residente ng lungsod. Tinawag ito ng pulisya na ‘fake news’ sapagkat wala umano itong katotohanan.
Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge
Dahil dito, nagpaalala ang himpilan na ang pagpapakalat ng fake news ay isang krimen at dapat itong itigil, dahil nagdudulot ito ng takot sa publiko.
Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC
Maliban dito, ipinaalala pa ng himpilan na maging mapanuri sa mga nababasa online at huwag basta-basta maniniwala o huwag agad mag-share lalo na kung hindi naman beripikado ng mga otoridad.