Mayorya ng mga Pilipino handang ipaglaban ang Pilipinas sa mga dayuhang bansa

Handa umano ang ilang Pilipino na depensahan ang Pilipinas sakaling umatake ang ibang bansa.

Ayon sa ilang mga Pilipino responsibilidad nilang tumulong at ipaglaban ang Pilipinas.

Read More:  Palace urges VP Sara to answer before Impeachment Court

Base sa survey ng OCTA research, 77% o halos walo sa sampong Pilipino  ang handang lumaban para sa Pilipinas mula sa mga dayuhan.

Sa iba’t ibang age group na mga na-survey mula teenager hanggang senior citizen pinakamarami sa mga nagsabi na handa silang ipagtanggol ang Pilipinas ay nasa edad 45-54.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Ginawa ang survey noong Disyembre 2023 kung saan binomba ng tubig at tinaboy ng China ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.