Mga bagong upuan – dumating na sa NAIA-3 matapos ang viral na mga surot

Matapos pamugaran ng pesteng surot ang mga lumang upuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nasa 38 bagong steel gang chair na ang dumating na sa paliparan.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), tig-15 bagong upuan ang inilagay sa international at domestic lobbies ng NAIA-3 habang walo ang inilagay sa departure waiting area.

Dinisinfect na at inaayos sa ngayon ang mga lumang upuan na inireklamong pinamugaran ng mga surot.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Matatandaang pinamugaran ng peste ang mga upuan sa naturang paliparan na ikinaalarma ng ilang pasahero.