Mga buntis na underweight kabilang sa mga tinalakay sa isinasagawang BCPC-re orientation and enhancement training ng mga barangay health workers sa Naga City

NAGA CITY – Hanapin at bigyan ng solusyon ang problema sa kalusugan ng mga ina o nanay na konsideradong underweight at malnourish sa Naga City lalo na kung nagdadalang-tao, dahil makakasama rin ito sa kalusugan ng sanggol na nasa kanilang sinapupunan.

Ito ang isa sa nabigyan ng atensyon sa isinasagawang dalawang araw na Re-Orientation and Enhancement Training ng mga barangay health workers mula sa 27 barangay ng lungsod .

Read More:  SRA backs NIR-wide offensive vs. invasive sugarcane pest

Nakausap naman ng Brigada  News FM Naga si Dina Capistrano, BHW ng Barangay Concepcion Grande, at nabanggit niya na muli silang mag-iikot para hanapin ang mga buntis, kabilang na ang mga minor de edad na buntis na rin, bukod pa sa mga batang bansot o stunted.

Read More:  Student referred to DSWD after alleged school shooting threat in Escalante City

Pinakabatang buntis sa kanilang barangay ay 15 taong gulang pa lamang, na kailangan ng mas higit na pag-aalaga, sabi pa ni Capistrano.