Atleta mula San Jose Batangas, nakatakdang lumaban sa ASEAN University Games 2024 sa Surabaya Indonesia

Nakatakdang lumaban ang isang atleta mula sa bayan ng San Jose Batangas sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations o ASEAN University Game 2024 sa Surabaya Indonesia ngayong darating na Hunyo.

Siya ay si David Paul Matibag, 21 anyos, nag-aaral bilang varsity-scholar ng San Beda University Manila at nasa ikatlong taon sa kanyang kursong Bachelor of Sports Science Management .

Read More:  Carlo Paalam defeats world champ Makhmud Sabyrkhan, secures spot in Asian Games gold medal bout

Una rito ay nakasungkit siya ng gintong medalya sa track and field event sa katatapos lamang na Philippine National Game.

Nag-uwi rin siya ng bronze medal sa katatapos lamang na NCAA.

Ayon kay David, nagsimula siya sa track and field noong siya’y Grade 4 pa lamang.

Read More:  Rovelyn Baterbonia clarifies P30 entrance fee at Rene Baterbonia’s mini museum

Sumunod aniya siya sa yapak ng kanyang kuya na isa ring mahusay na mananakbo.

Pamilya at ang kanyang nobya raw ang nagsisilbing inspirasyon sa bawat laban niyang sinasalihan.

Samantala, lubos naman ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya at nagtitiwala.