Mandirigmang Garciano, overall champion sa Arnis sa Division Meet 2024

Balayan, Batangas – Itinanghal bilang Overall Champion sa Arnis Elementary Level ang Mardirigmang Garciano mula sa bayan ng Padre Garcia sa ginanap na Division Meet 2024.

Nasungkit nina Erianne Jill Lumbera at Ichigo Ocampo ang gintong medalya para sa Individual Likha Anyo Doble Baston at sa Individual Likha Anyo Espada y Daga.

Nag-uwi rin ng gintong medalya sina Erianne Jill Lumbera, Zian Daniella Orense at Levie Keith Soriano para sa Synchronized Likha Anyo Espada y Daga at sa Synchronized Likha Anyo Solo Baston.

Read More:  EJ Obiena, strikes gold, sets new Asian Games record in pole vault

Nakakuha din ng gintong medalya sina Mart Liam Banawa, Terrence Harvey Cantos at Ichigo M. Ocampo para sa Synchronized Likha Anyo Doble Baston at sa Synchronized Likha Anyo Espada y Daga.

Read More:  Alex Eala named one of TIME100 Next 2026 rising stars

Nakagintong medalya rin si Erianne Jill Lumbera para sa Mixed Doble Baston at sa Individual Likha Anyo Solo Baston

Samantala lubos naman ang tuwa ng mga guro at ng pamahalaan ng Padre Garcia sa ipinakitang galing ng mga batang manlalaro.

Sa ngayon ay naghahanda na ang Mandirigmang Garciano para sa kanilang susunod na laban sa Regional Athletic Association Meet 2024.