PCG magdi-deploy ng karagdagang personnel para tumutok sa kahabaan ng Bagasbas beach

CAMARINES NORTE – Magdi- deploy ng karagdagang personnel ang Philippine Coast Guard (PCG) para tumututok sa kahabaan ng Bagasbas beach lalo na ngayong nalalapit na ang semana santa.

Sinabi sa Brigada News FM Daet ni LTJG Jason Lavadia, Commander ng Camarines Norte Coast Guard Station, na ngayon pa lang ay regular na silang nagsasagawa ng Baywatch patrol para masiguro ang kaligtasan ng mga naliligo sa Bagasbas beach sa Barangay Bagasbas dito sa bayan ng Daet at bahagi ng bayan ng Mercedes.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Ayon kay Lavadia, delikado ang Bagasbas beach lalo na sa mga bagong salta o sa mga dayo dahil may kakaibang karakter ang dagat.

Read More:  ₱1.3M petroleum products seized in Negros Oriental

Nagpaalala naman ang opisyal sa mga magulang na huwag hayaang mag- isang maligo ang mga bata upang iwas disgrasya.