Isang mas malaking daga – nakitang patakbo-takbo sa NAIA

Wala pang isang linggo bago kumalat sa social media ang video ng daga na pagala-gala sa kisame ng NAIA Terminal 3.

May bago na namang nakitang mas malaki pang bubwit na patakbo-takbo sa sahig malapit sa isang boarding gate ng terminal.

Read More:  Senate committee to investigate Tacloban City school shooting, online gaming platforms

Kwento ng uploader ng video – may nagtitilian sa boarding counter ng paliparan at inakalang may celebrity na dumating pero ito pala’y daga.

Read More:  OVP reports 92.32% budget utilization for 2025

Sa ngayon, wala pang pahayag ang Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa bagong peste na namataan.

Una nang sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines na hindi na mauulit ang mga serye ng peste sa paliparan.