Philippine passport ika-78 sa Henley Passport Index

Bumaba ang pwesto ng Pilipinas pagdating sa ranking ng passport sa mundo.

Nakuha ng Pilipinas ang ika-pitumpu’t walo mula sa mahigit isang daang bansa sa pinakabagong Henley Passport Index 2024.

Mas mababa ng limang puntos ang kasalukuyang ranking ng bansa, hanggang nitong Pebrero.

Read More:  Tindig Pilipinas: protests should not shield public officials from investigation

Subalit nananatili ang bilang ng mga bansang maaaring puntahan ng Philippine passport carriers nang visa-free sa 69 na bansa.

Ang nasabing survey ay base sa bilang ng mga destinasyong maaaring puntahan ng holder nang visa-free.

Read More:  Marcos cancels public events, monitors EDSA rally

Samantala, nanguna sa naturang ranking ang France, Germany, Italy, Japan, Singapore, at Spain.

Huli naman sa listahan ang Afghanistan na mayroon lang dalawamput-walong bansa ang mapupuntahan para sa visa-free.