Lalaki, arestado sa ilegal na pagbebenta ng parrot sa Candelaria, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang entrapment operation ng Candelaria Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Masin Sur, ng nasabing bayan nitong Lunes, Marso 4.

Isang intel operative umano ang nagpanggap na buyer online na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si alyas “Patrick”, 23-anyos, residente ng Calauan, Laguna.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Samantala, narekober naman mula sa suspek ang dalawang (2) Green Cheeked Conure na nagkakahalagang ₱12,000.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9147 o Illegal Trading of Wildlife.