Ilang paliparan sa Haiti, nagkansela ng flights dahil sa gang violence

Napilitan ang American Airlines at Haitian airline Sunrise Airways na ikansela ang ilang mga flights paputang Haiti dahil sa barilang nagaganap sa bansa.

Read More:  17 killed, over 20 injured in stampede at India’s Durga Puja festival

Kabilang na rito daily service sa pagitan ng Miami at Toussaint Louverture International Airport sa Port-au-Prince.

Napatay ang hindi bababa sa apat sa isang police station, habang ang Caribbean ay nakikipagbuno sa lumalalang gang violence at political instability.

Read More:  Croatia opens 785 job opportunities for Filipinos

Ayon sa tagapagsalita na si Laura Masvidal, patuloy nilang susubaybayan ang sitwasyon at isasaayos ang operasyon kung kinakailangan.