Lolo, arestado sa drug buy-bust ops sa Ligao City

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lolo sa drug buy-bust operation sa Purok 7, Brgy. Binatagan, lungsod ng Ligao, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Pedro”, 60 anyos at residente ng nasabing barangay.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Isinagawa ng Ligao City Police Station ang operasyon, kasabay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol laban sa nasabing suspek.

Pinagbentahan ng suspek ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang “shabu”.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Nang magkaabutan na ng item at pera, dito na hinuli ang suspek at narekober sa kanya ang kaaprehong item at perang ginamit na buy-bust money.

Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.