Sunog sa sa Parañaque City, umabot sa ika-apat na alarma

Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog sa residential area sa Parañaque City, kagabi.

Kinakailangan pang wasakin ng mga bumbero ang pader ng Manila Memorial Park para tuluyang makapasok sa mga bahay na nasusunog sa Baranagay San Isidro.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Batay sa Bureau of Fire Protection (BFP), tinatayang nasa 160 mga bahay na gawa sa light at concrete materials ang nasunog.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa pagtaya ng BFP, 800K na ari-arian ang natupok ng apoy at higit 300 ang pamilyang apektado.

Sugatan naman ang isang lalaki matapos mabagsakan ng jalousie.