Halos 8K sqm. na taniman ng marijuana sa Benguet, winasak ng NBI

Winasak ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cordillera ang aabot sa 8K square meters ng marijuana plant area sa Barangay Tacadang sa Benguet.

Tinatayang nasa P4M ang halaga ng taniman ng marijuana.

Naging resulta ang operasyon mula sa nakuhang impormasyon ng NBI na patuloy ang pagtanim ng ipinagbabawal na droga sa naturang lugar.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Mabilis na natunton ng ahensya ang marijuana plantation gamit ang drone at iba pang makabagong kagamitan.