Lalaking naglalakad, binaril habang nakatalikod sa Maynila

Nalagutan ng hininga ang isang lalaki matapos itong barilin ng patalikod habang naglalakad sa Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), ilang beses pinagbabaril ang biktima kahit bumagsak na.

Read More:  BARMM’s top 1 most wanted killed in police shootout during arrest operation

Sa kasamaang palad, dead-on-arrival sa ospital ang 27-anyos na lalaki; habang nakatakas naman ang suspek sakay ng motorsiklo.

Read More:  ₱38.7-M worth of illegal cigarettes destroyed in Bacolod City

Sinabi ng MPD na kabilang sa tinitingnan na motibo sa krimen ay ang away sa pamilya at maging ang negosyo ng biktima.