Huli ang isang lalaking umano’y wanted person sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Balubad, Atimonan, Quezon nitong Sabado, Pebrero 24.
Sa pagtutulungan ng Atimonan Municipal Police Station at Makati CPS, nadakip ang akusado na kinilalang si alyas “Wilfredo”, 46-anyos at residente ng Lopez, Quezon.
Ang akusado ay may kinakaharap na kasong Murder sa Regional Trial Court, Branch 66, Makati City at walang inirerekomendang piyansa.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.