Magsisilbing Presidential Guest House ng mga foreign head of state and government ang bagong renovated na Laperal Mansion sa Arlegui st.
Sa post ng Presidential Communications Office o PCO, nag organisa ng guided tour para sa mga ambassador na assigned sa bansa, at kabilang sa binisita nila ang naturang European mansion na may tropical touches.
Meron itong labing apat na meticulously designed rooms, dalawang sun room na ipinangalan sa mga nakalipas na Presidente at tatlong state rooms na isinunod ang pangalan kina Magellan, Macarthur at Rizal.
Gawa ito ng mga magagaling na artisan at designer sa Pilipinas.
Ayon pa sa PCO, ang ginanap na restoration ay pagpapakita ng brand of hospitality ng mga Pilipino, at ng layunin ni Pangulong Bongbong Marcos na mapalakas at palawakin ang relasyon ng Pilipinas sa mga partner nito sa international community.
Samantala, binisita rin ng mga ambassador ang iba pang mansion sa Malacañang complex kabilang ang Goldenberg mansion na dating Presidential guest house, ang 19th century home na Teus mansion na kasalukuyang Presidential Museum.
At ang Bahay Ugnayan kung saan nakalatag ang journey ni Pangulong Marcos sa “road to Malacañang”.
Lahat ng tatlong nabanggit na mansion ay museum na ngayon at bukas sa publiko.