Tauhan ng PCG, pinaulanan ng bala ang isang lamayan sa Cavite dahil sa selos

Biglaan na lamang nagpaputok ng labing-walong beses ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lamayan sa Cavite.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Kinilala  ang nagpaputok ng kanyang service firearm na si Seaman Second Class Ian Michael Salgado.

Sa ulat ng pulisya, napasugod si Salgado sa burol nang mabalitaan nitong ang karelasyon umano ng kanyang live-in partner ay nakikipaglamay din.

Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Bukod dito, lango pa sa alak ang salarin.

Arestado ang suspek at kinasuhan ng indiscriminate firing.