Regional level most wanted person sa kasong murder, nadakip sa Sariaya, Quezon

Nadakip ang isang lalaking umano’y Regional Level Most Wanted Person sa ikinasang operasyon ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon nitong Lunes, Pebrero 19.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Sa bisa ng warrant of arrest, nadakip ang akusado na kinilalang si alyas “Ariel”, 45-anyos.

Si Ariel ay may kinakaharap na kasong Murder sa ilalim ng criminal case number 2019-1082 sa Regional Trial Court, Branch 56, Lucena City.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Samantala, wala namang inirerekomendang piyansa para sa naturang kaso.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.