Babaeng iniligtas ang aso, sugatan matapos mahagip ng tren sa Naga City

NAGA CITY- Sugatan ang isang babae matapos na mahagip ng tren sa Naga City.

Sa imbestigasyon ng Police Station 2, sinagip ng biktima ang aso na nasa riles pasado alas- 8 ng umaga nitong Lunes Pebrero 19, 2024 sa Concepcion Pequeña. Tumilapon ito at nagtamo ng minor injuries. Nadala naman sa pagamutan ng mga oras ding iyon.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system
Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Una nang sinabi ng pamunuan ng Philippine National Railways na mag-ingat ang publiko lalo na regular ang biyahe ng tren mula Naga patungo sa lalawigan ng Albay. Gayundin ang Naga- Sipocot.