2 sa 3 suspek sa pamamaril sa isang doktor sa Maguinadao del Sur, sumuko na

Sumuko na sa mga awtoridad ang dalawa sa tatlong suspek sa pamamaril sa volunteer doctor na si Sharmaine Barroquillo sa Buluan, Maguindanao del Sur kamakailan.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayon hapon, iniulat ni Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region Director PBGen. Allan Nobleza na ang nga sumukong suspek ay pawang mga estudyante na may edad 16 at 18.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Tukoy na rin ang gunman na isa ring menor de edad na patuloy ngayong pinaghahanap ng mga awtoridad.

Robbery o pagnanakaw ang natukoy na motibo ng pulisya sa nangyaring pamamaril.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Batay sa record ng PRO-BAR , ayon kay Nobleza ang mga suspek ay sangkot sa serye ng robbery hold-up at murder.

Kasong attempted robbery at frustrated murder ang kasong kahaharapin ng mga suspek.

Samantala, patuloy naman nagpapagaling ang biktima na ngayon ay nasa stable condition na.