CJ Perez, hinirang bilang Finals MVP sa PBA

Nasungkit ni San Miguel Beer wingman CJ Perez ang PBA Season 48 Commissioner’s Cup Finals Most Valuable Player, matapos makamit ng SMB ang 29th championship sa pangkalahatan kagabi.

Read More:  Albert Ian Delos Santos wins Asian Games bronze, sets new Junior World Record

Nakapagtala ang trenta anyos na si Perez ng 18 points, 3.8 rebounds at 2.8 assists sa six-game title series.

Kasunod lang nito ang pagtanggap niya ng Best Player of the Conference trophy noong nakaraang linggo bago magsimula ang Game 4 ng title series.

Read More:  Carlos Yulo wins PH’s first gold medal at 2026 Asian Games

Nakuha ni Perez ang kanyang ikalawang PBA title matapos makuha ng San Miguel ang Philippine Cup title noong nakaraang season.