Cha-cha, hindi isang “magic solution” para sa economic problems – Senador

Nangangamba si Senador Nancy Binay na baka magdala ng ‘false hope’ sa mga mamamayang Pilipino ang itinutulak na Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6).

Ito ay matapos ang naging unang pagdinig nito sa Senado nitong nakaraang linggo.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Paglilinaw ni Binay, ‘di naman maituturing na isang “magic solution” ang Charter Change (Cha Cha) upang mabura at maresolba ang mga problema ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kase sa Senadora, base sa survey, ang pangunahing problema ng mga ordinaryong Pilipino ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin tulad ng bigas at krudo at kawalan ng maayos na kuryente.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Maalala, layunin ng RBH6 na amyendahan ang tatlong economic provision para sa public service, education at advertising.
#