Walang kinalaman si PBBM sa isyu ng ICC – DPRRD

Nanindigan si dating pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya hihingi ng tulong kay Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa isyu ng reinvestigation ng International Criminal Court (ICC) sa kaniyang kampanya laban sa iligal na droga.

Sa isang panayam, sinabi ng dating pangulo na hindi siya magpapasaklolo kung kanino man dahil haharapin niya ito mag-isa.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Sa huli, sinabi ni Duterte na kung siya ang tatnaungin – sa palagay niya’y wala namang kinalaman si Marcos sa ICC issue.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Kung maaalala – nabanggit kamakalawa ang ‘di umano’y nakaambang warrant of arrest laban kay Duterte.

Sabi naman ng Philippine National Police (PNP) – wala pa silang natatanggap na warrant, pero sakali mang makuha nila ito ay hindi naman nila ito ipatutupad.