Binatilyo, patay matapos aksidenteng nabaril ng pinsan sa Tondo, Manila

Wala nang buhay nang madatnan ng pulisya ang katorse anyos na lalaki matapos aksidenteng mabaril ng kanyang pinsan sa Tondo, Maynila.

Batay sa salaysay ng kaanak, naglalaro at nagsalitan ang dalawa sa pagkalabit ng calibre trentay-otso na revolver.

Read More:  Brigada News, HBONI explore healthier rice drive, feeding program with PhilRice

Sinabi ni Manila Police District Homicide Chief Police Captain Dennis Trula, noong una hindi ito pumuputok pero nang pangatlong kalabit na ay tinamaan na ang bata sa ulo na sanhi ng pagkamatay nito.

Read More:  DepEd assures psychosocial support after Ateneo de Zamboanga shooting

Sa imbestigasyon, binili umano ng 22 anyos na suspek ang baril at bapag-alamang wala pala itong lisensiya.

Sumuko ang salarin sa pulisya at wala naman daw itong intensyon na patayin ang kanyang pinsan.