Mga sasakyan pangunahing sanhi ng air pollution sa Naga City- CENRO

NAGA CITY- Nangunguna sa listahan ang mga sasakyan na sanhi ng pagkakaroon ng maruming hangin sa Naga City.

Kinumpirma ito sa Brigada News FM Naga ni Engr. Dan Cea, Admin Officer ng Naga City Environment and Natural Resources Office (CENRO) matapos na ma-assess ang mga sasakyang nagpaparehistro sa Land Transporatation Office (LTO).

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Maliban sa pagtatanim ng mga puno sa pamamagitan ng Forest In Our Midst Project, isa sa sakop ng opisina na busisiin ang mga sasakyan upang matiyak na may maayos na tambutso pa ang mga ito at hindi pa bumubuga ng labis na usok.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Aniya, mahalagang napapanatili ng isang lugar ang pagkakaroon ng malinis na hangin dahil maliban sa tubig, ang hangin ang isa sa mga pinakaimportanteng bagay para mabuhay ang mga tao, maging ang mga hayop at pananim.