CAMARINE NORTE – Pinaigting ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte partikular ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang mga preventive measure kontra African Swine Fever (ASF) makaraang maitala ang pinaka unang kaso nito ngayong 2024 kamakailan.
Ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino naitala ang pinaka- unang kaso ng ASF sa naturang bayan ngayong taon noong Enero 10 at mayroon silang hinihintay na laboratory result na posibleng lumabas ngayong araw.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Felomino inihayag nito na sa ngayon ay anim na baboy ang pinatay o nakasama sa depopulation kung saan isang Barangay lang ang apektado.
Noong nakaraang taon pitong kaso ng ASF ang naitala sa naturang bayan at Disyembre ng parehong taon ay mahigit isangdaang baboy ang na- subject sa depopulation.
Tiniyak naman ni Felomino na may natatanggap na ayuda ang mga may ari ng na de- populate na mga baboy.
Kapag insured ang baboy ay binabayaran ito ng Philippine Crop Insurance Corporation at kung hindi naman ay mayroong ayudang ibinibigay ang Department of Agriculture at kung kulang ay pinupunan ito ng LGU.
Dahil naman sa patuloy na banta ng ASF nagpatupad ng mas mahigpit na panuntunan ang MAO sa mga ipinapasok na kakataying baboy sa municipal slaughterhouse.