Union of Local Authorities of the PH, nagpahayag ng pagkakaisa sa teritoryo ng bansa

Nagpahayag ng pagkakaisa ang Union of the Local Authorities of the Philippines sa kabila ng mga panukalang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Naniniwala ang grupo na dapat panatiliin ang integridad ng buong teritoryo ng Pilipinas dahil nasa pagkakaisa ng lakas ng bansa.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Inaanyayahan din ng grupo ang aktibong partisipasyon ng mga LGUs, Civil Society groups at mga komunidad sa mga dayalogo para matugunan ang kanilang pangangailangan.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Samantala, sinabi naman ni AFP Gen. Romeo Brawner Jr. sa kanyang pagbisita sa Mindanao na tiwala siya sa katapatan at propesyonalismo ng bawat miyembro ng sandatahang lakas.