VP Duterte, nanguna raw sa Oplan Tokhang – self-confessed DDS member

Inakusahan ni dating Davao Senior Police Officer Arturo “Arthur” Lascañas si Bise Presidente Sara Duterte ng pangunguna sa “Oplan Tokhang” sa Davao City sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang alkalde noong 2012.

Humarap sa media si Lascañas, isang umanong dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS), kasunod ng pagtatapos ng pre-trial investigation ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimen lsa ilalim ng drug war ng administrasyong Duterte.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nagsumite ang dating pulis ng 186-page affidavit sa ICC naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga umano’y pagpatay na ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagkakasangkot ng kanyang anak sa extrajudicial killings sa Davao City.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa huli, nanawagan si Lacsanas kay Pangulong Bongbong Marcos na mag-ingat at ‘wag maging kampante sa mag-amang Duterte, na inilarawan niyang “halimaw” ng Davao.