Ilang gamot para cancer at diabetes -magmumura

Asahang magmumura ang ilang gamot sa cancer, hypertension, diabetes at iba pa matapos tanggalan ng buwis.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue tinanggalan na nila ng value added tax o VAT ang ilang gamot.
Ibigsabihin baba ang presyo ng mga ito.

Read More:  Comelec reports successful BARMM election system simulation

Kasama dito ang gamot sa diabetes, hypertension, kidney disease, mental illness at tuberculosis.

Itinuturing naman ni Health Sec. Teodoro Herbosa na welcome development ito para sa usaping kalusugan ng mga Pilipino.

Read More:  Gatchalian urges faster rooftop solar permit process

Mahalaga ang VAT exemption ayon sa DOH dahil napapababa nito ang presyo ng mga gamot.

May mga mahihirap kasing tumitigil sa pag-inom ng mga maintenance na gamot dahil sa taas ng presyo nito.