BIR-RDO 64 nagpaliwanag sa mahabang pila at pagdagsa na naman ng mga tao sa kanilang opisina nitong mga nakaraang araw

CAMARINES NORTE – Nagpaliwanag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa mahabang pila at pagdagsa na naman ng napakaraming tao sa kanilang opisina na karamihan ay mga job order employees nitong mga nagdaang araw at halos sa buong buwan ng Enero.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet inisa- isa ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon ang mga dahilan ng parehong scenario noong nakaraang taon kapag ganitong panahon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, nabalewala ang ginawa nilang schedule para sana hindi na maulit ang kaparehong problema noong nakaraang taon kung saan marami ang nagtitiis at natutulog na sa labas ng opisina ng BIR- RDO 64 sa bayan ng Talisay mauna lang sa pila.

Bukod sa nasirang schedule, naghahabol rin ang mga Job Order employee nang hanggang January 31 para hindi na mabawasan ang kakarampot nilang sweldo.

Kapag hindi kasi sila ng update sa BIR ay babawasan sila ng withholding tax.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kaugnay nito ay  ipinaliwanag ni De Leon ang tungkol sa pagre- tegister ng mga job order employees.

Hinimok din nito ang mga taxpayer na gamitin ang kanilang online platform para maiwasan na ang dagsaan ng mga tao sa BIR.

Inasahang patuloy ang ganitong scenario hanggang sa Abril ang deadline naman ng paghahain ng income tax returns.