Mangingisda, missing sa Araceli, Palawan

Tatlong araw nang hindi nakakauwi ang mangingisdang si Ronnie Conde Rosales, 49-anyos ng Barangay Poblacion, Araceli, Palawan.

Ito ay pumalaot umano nitong ika-29 ng Enero at inaasahang babalik agad ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakauwi, ayon sa kaanak.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Ang pamilya ay nag-aalala dahil mag-isa lamang ito umano at may kalakasan pa ang hangin nang pumalaot ito.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Samantala, nagtutulungan na ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at Philippine Coast Guard sa paghahanap rito.