Work suspension sa February 8, idineklara sa So.Cot

KORONADAL CITY- SUSPENDIDO ang trabaho sa lahat ng mga government offices sa lalawigan ng South Cotabato sa Pebrero 8, 2024. Ito ay batay sa memorandum na ipinalabas ni Governor Reynaldo Tamayo Jr kaugnay sa komemorasyon ng Isra Wal Mi’raj o Nocturnal Journey and Ascencion ni Prophet Muhammad, na kinikilala din bilang Muslim Legal Holiday.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Layon ng work suspension na mabigyan ang mga empleyado ng sapat na panahon upang ipagdiwang ang naturang araw.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ngunit, ang mga opisinang involved sa delivery ng basic at health services, security at response sa kalamidad ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.